Sa siyudad, kung isa kang taong NPA (No Permanent Address) ay hindi mo na kailangang maging choosy pagdating sa tulugan. Basta ba hindi ka nakakasagabal o nakaka-istorbo sa ibang tao, pasok na iyon.
Sadyang mahirap talaga ang makahanap ng isang lugar kung saan pwede ka matulog o maidlip nang hindi ka nag-alala sa iyong kaligtasan pati na ang iyong mga gamit. Alam naman natin na hindi ka pwedeng makampante sa iyong paligid lalo na kapag marami kang dala-dalahan at kapag bagong mukha ka sa isang lugar. Marami kasing mga bantay-salakay sa paligid at kung pwede ngang pati ang tao ay kukuhain nila ay tiyak nilang gagawin.
Kaya sa mga taong gustong mag-adventure sa siyudad at walang tiyak na matitirhan ay tamang diskarte lang ang kailangan. Kung baga, ang mga taong nakakasurvive sa magulong siyudad ay dapat maging street smart.
No comments:
Post a Comment