Nasubukan mo na bang kumain ng pusit lalo na iyong nanggigita sa malapot nitong maitim na dagta? Ang sarap noon lalo na kapag talagang masarap ang pagkaluto.
Doon po sa amin kung saan laging sariwa ang mga itinitindang mga pusit ay palaging naglalakihan ang mga pusit na itinitinda. Bibihira ka lang makakita ng mga maliliit na mga pusit. Karamihan ay mga malalaking pusit at talaga namang sobrang itim ng mga ito dahil sa kanilang mga tinta.
Sa isang lugar kagaya sa amin, mayroon ding mga kakatwang kwento na lumalabas tungkol sa pusit. Minsan daw ay mayroong isang mangingisda na nakahuli ng hindi gaanong karaming pusit. Dahil sa alanganin ang dami nito para maibenta, inuwi na lang niya ang kanyang huli at agad na ipinaluto sa kanyang asawa. Ang sarap ng pagkaluto ng kanyang asawa at agad silang kumain ng hapunan. Habang kumakain sila ay merong bumabangabag sa kanila lalo na sa lalakeng mangingisda. Hindi siya mapakali at pilit na hinahanap ang pinagmumulan ng kakasukang amoy. Amoy tae daw kasi sa paligid. Nang hindi niya makita ay balik hapag kainan siya. Laking gulat na lang niya nang hiwain niya ang tiyan ng isang malaking pusit at doon na umalingasaw ng tuluyan ang amoy ng ebaks. Yaikss.
Kung totoo man o hindi ang kuwentong ito, bago ako magluto ng pusit ay inaalam ko muna ang laman ng katawan nito. Kadalasan sa mga natutuklasan kong laman ng tiyan nito ay ang buong isda na kanyang nakain o di kaya'y ang kanyang itlog. At mas masarap ang lasa ng pusit kapag puno ng itlog ang kanyang tiyan.
No comments:
Post a Comment