Bakit madadaya tingnan ang mga pictures at promotional food items ng mga resto at food chains? Hindi ba nila isinasapuso ang katuturan ng "truth in advertising?" Bakit mukhang naguguyo ng iba ang kanilang mga customers?
Kadalasan, kapag pumapasok tayo sa resto o fast food ay madalas nating tingnan ang mga pictures na nakapost sa counter o di kaya'y sa menu. Kapag hindi tayo sigurado sa ating oorderin ay malaking bagay ang ginagampanan ng mga pictures ng pagkain. Kaya nga ganoon na lang ang paggastos ng mga ito pag dating sa kanilang commercials at promotional gimiks para sa kanilang mga pagkain.
May mga pagkakataon na sobrang nakakadismaya lang at pakiramdam natin ay natanso tayo sa pagkaing ating inorder. Minsan ay iba ang hitsura at sobrang nakakatakam ang nasa picture tapos pag atin na itong na order ay iba din ang hitsura nito. Kung pwede nga lang na picture na lang ang orderin ay ginawa na natin basta ba pwede itong kainin. At ang mahirap pa ay sobrang mahina ang sistema sa ating bansa pagdating sa reklamo tungkol sa mga karapatan natin pagdating sa mga "deceiving tactics" ng ibang mga resto o fast food chains.
No comments:
Post a Comment