Kumakailan lang ay dumalo ako sa isang binyag kung saan ay inimbitahan ako. Akala ko ay bisita lang ako subalit instant ninong pala ako. Haha. Ang galing ng kumpare ko at doon lang sinabi na ninong daw ako.
Sa okasyong iyon ay nagkita-kita kami ng mga matagal ng kaibigan at kakilala. Isa ito sa mga okasyon na pwede kaming magkasama dahil na rin abala ang bawat isa sa trabaho at iba pang mga personal na dahilan. At sa tuwing magkikita ay maraming mga alaala ang siyang bumabalik at paulit-ulit na pinagkukuwentuhan.
Mapalad siguro tayo na magkaroon ng mga kaibigan na maituturing natin na yaman ng ating buhay. Kahit na lumipas pa ang mahabang panahon at kahit na hindi madalas ang pagkikita, kapag dumadating ang mga espesyal na sandali sa buhay ng isa't isa ay nagtitipon ang lahat para dumalo. Isa itong bagay na bumubuo at nagpapanatili ng isang matibay na samahan.
Sa aking mga kaibigan, salamat sa pambihirang pagkakataon na ito at ganoon na din sa patuloy na pagpapahalaga at pagpapaalab sa ating samahan at pagkakaibigan.
No comments:
Post a Comment