Isa sa mga problema na hindi matapos-tapos sa isang matao at progresibong siyudad gaya ng Manila ay ang nakawan ng takip ng manhole. Kadalasan ay iisa lang ang itinuturong culprit sa gawaing ito.
Dahil purong bakal ang takip ng manhole at madali itong tanggalin ay isa ito sa mga malimit na target ng mga taong nagkakalakal. Mahal kasi ang presyo nito kapag kanilang ibinenta. Tapos ang mga may ari ng junk shop ay sila naman ang agad na pinagbibilhan ng mga nagkakalakal sa mga nakuha nilang takip ng manhole. Masyado din silang naglalaway sa kanilang tutubuin sa takip ng manhole at kahit na ipinagbabawal ang pagbili nito ay pikit-mata nilang tinatapatan ng pera ang gawaing ito ng mga nagkakalakal. Kaya't para na rin nilang sinusuportahan ang maling gawaing ito.
Ilan pa kayang disgrasya at buhay ang malalagay sa alanganin bago maisip ng mga taong kumukuha ng takip ng manhole ang kanilang maling gawain. Mas matindi ba ang tawag nang kumakalam na sikmura kumpara sa disgrasyang maidudulot nila sa ibang tao? Sabagay, kapag survival na ang pinag-uusapan (kahit sa mga edukado at matataas pang tao) ay walang sinisino ang kapakanan ng ibang tao.
No comments:
Post a Comment